LANGUAGE

広告特集 企画・制作 朝日新聞社メディアビジネス局

LANGUAGE

SHARE

Talakayan kung saan nagsasabihan ng tunay na damdamin ang henerasyon ng mga milenyal na magpapasan ng kinabukasan ng caregiving! Ang hinahangad nilang paraan ng pamumuhay at pagtatrabaho, at anyo ng Japan na nakita nila sa pamamagitan ng trabaho ng caregiving

Mga babaeng nasa kanilang 20s-30s na nagtatrabaho sa mga lugar na may kinalaman sa caregiving at care. Dumaan ang bawat isa sa kanila sa iba’t ibang pagkakataon at panahon ng pagbabago, at nagkaroon sila ng interes, at aktibong lumalahok sa trabaho ng caregiving. Ano ang nangyaring turning point upang pumasok sila sa kasalukuyan nilang trabaho? Masusing tinanong ni Hisako Takase na namumuno sa “Mirai wo tsukuru kaigo cafe” (Caregiving cafe na lilikha sa kinabukasan), at matagal nang nagtatrabaho sa lugar para sa caregiving, ang tungkol sa paraan ng pamumuhay ng mga babae sa henerasyon ng mga milenyal na magpapasan ng kinabukasan ng caregiving.

[Mga Kalahok]
• Facilitator
Ms. Hisako Takase --- Nagtatag ng “Mirai wo tsukuru kaigo cafe” (Caregiving cafe na lilikha sa kinabukasan) sa pagnanais na pasiglahin ang industriya ng caregiving, at baguhin ang larawan sa isip tungkol dito.

• Mga Kalahok
Ms. Shiori Mishima --- Ipinanganak sa Shinjuku at lumaki sa Shinjuku. Pagkatapos magtrabaho bilang caregiving staff, namamahala sa katungkulan ng pakikitungo sa kostumer bilang life coordinator sa kasalukuyan.
Ms. Yukiko Sasaki --- Taga-Wakayama prefecture. Dagdag sa pagtatrabaho bilang caregiving staff, nagbuo ng “Team W” ng caregiving × pagpapaganda, at nagsasagawa ng mga aktibidad tulad ng fashion show kung saan nangunguna ang mga senior, at iba pa.
Ms. Mayu Watabe --- Baguhang empleyadong nagtatrabaho bilang caregiving staff. Nag-aral ng Community Design sa kolehiyo, at nagka-interes sa “Welfare at Pamayanan.”
Ms. Saho Otsuka --- Pagkatapos ng karanasang makuha sa empleyo ng advertising company at proposal-based sales ng job ads, lumipat ng trabaho sa kumpanyang nagpapatakbo ng day service. Namamahala sa personnel at public relations sa kanyang kumpanya.

Nilampasan ang pagtutol ng pamilya upang pumasok sa industriya ng caregiving noong kakagraduate lang!?

Nakapaligid kay Ms. Takase, at nagtipon sa talakayan ang mga babaeng nasa kanilang 20s-30s na pumasok sa trabaho ng caregiving. Miyembro silang lahat na nakalahok na sa “kaigo cafe” (caregiving cafe) ni Ms. Takase.

Ms. Takase: Ano ang naging hudyat para maisipan ninyong magtrabaho sa industriya ng caregiving?

Ms. Watabe: Nag-aral ako sa kolehiyo ng community development at community revitalization, at naisip ko noon kung wala ba akong magagawa sa community at welfare. Iyon ang naging dahilan ng pagtatrabaho ko sa industriya ng caregiving. Noon pa man, madalas akong kinokonsulta ng mga kaibigan ko, at may interes ako sa trabahong kaugnay sa mga tao.

Ms. Takase: Paano mo napakinabangan ang pag-aaral sa kolehiyo sa trabaho mo pagkatapos noon?

Ms. Watabe: Sa kolehiyo, marami akong natutunan tungkol sa pakikipag-ugnayan at paglikha ng kaugnayan sa ibang tao. Ngayon, napapakinabangan ko iyon sa pagbuo ng kaugnayan sa matatandang nakakasama ko sa caregiving.

Ms. Takase: Ibig mong sabihin, sa pakahulugang magkakaugnay ang mga tao, magkatugma rin ang welfare at community design, tama? Ikaw naman, Ms. Mishima?

Ms. Mishima: Noong nasa kolehiyo ako, naglalakbay ako sa mga rice terraces bilang libangan. Maraming matatanda sa mga bulubunduking lugar, at nagkainteres ako sa caregiving. Pero dahil baka tumutol ang pamilya ko, palihim akong pumasok sa trabaho sa home for the aged.

Lahat: Lihim sa pamilya mo!? (tawanan)

Ms. Mishima: Oo, pinaalam ko sa kanila noong nangyari na (tawanan). Ang karaniwang naiisip ng mga tao tungkol sa caregiving ay hindi mabuti ang kondisyon sa trabaho kahit mahirap na trabaho ito. Sabi ng mga magulang ko “Kailangan mo bang maugnay nang ganyan sa caregiving?” pero unti-unti, sinabi rin nilang “Bakit hindi kung iyan ang gusto mong gawin?”

Ms. Watabe: Tinutulan din ng pamilya ko ang pagtatrabaho ko sa industriya ng caregiving, pero para malaman nila ang tungkol sa trabaho ng caregiving, kinakausap ko sila tuwing nag-iintern ako, iniimbita ko sila sa lekturang isinagawa sa kolehiyo, at napasang-ayon ko naman sila.

Lumipat ng trabaho at tumuloy para magsabay ng trabaho sa industriya ng caregiving, ano ang naging hudyat nito?

Si Ms. Saho Otsuka, pagkaraan ng trabaho sa advertising company, lumipat sa daigdig ng caregiving. Bilang tagapamahala ng personnel at public relations, nagsisikap siyang mapabuti ang kalagayan ng lugar para sa caregiving

Ms. Takase: Ms. Otsuka, isa ka sa mga lumipat ng trabaho, di ba? Ano ang ginagawa mo bago ka lumipat ng trabaho?

Ms. Otsuka: Noong estudyante ako sa kolehiyo, ang pagsali ko sa “Yosakoi” na team ng mga taong nagtatrabaho ang naging hudyat para maisip kong gusto kong maugnay sa paglikha ng gamit, at noong kakagraduate ko lang, pumasok ako sa advertising company. Sa pagtatrabaho ko nang mga 2 taon sa sales ng job ads, naramdaman kong masaya ang direktang pakikipag-ugnayan sa ibang tao.

Ms. Takase: Kung ganoon, bakit ka lumipat sa industriya ng caregiving?

Ms. Otsuka: Isa sa mga kliyente sa dati kong trabaho ang kumpanya ko ngayon. Noong tumutulong ako sa pagkuha nila ng tauhan bilang tagapamahala ng sales, inalok ako at pumasok ako sa kumpanya nila. Hindi “dahil caregiving,” kundi dahil naisip kong makakatamo ako ng mabuting karanasan kung sa kumpanyang ito.

Ms. Takase: Hindi ka pala naging partikular sa caregiving!

Ms. Otsuka: Oo. Mula noong lumipat ako ng trabaho, naging tagapamahala ako ng personnel at public relations, at noong simula, may panahon ding nag-alala ako kung nakakabuti ba ang trabahong iyon sa mga taong gumagamit at sa mga tauhan. Pero unti-unti, kahit hindi direkta, naramdaman kong nakakatulong ang trabaho ko sa paglikha ng kapaligiran ng lugar para sa caregiving.

Ms. Takase: Ms. Sasaki, habang nagtatrabaho bilang caregiving staff, hinaharap mo rin daw ang pagsasabay ng caregiving at makeup.

Ms. Sasaki: Bilang kolaborasyon ng pagpapaganda at caregiving, aktibo akong kumikilos sa Team W. Nagsasagawa kami ng kaganapan sa rehabilitation hospital at day service, at nagdaraos ng fashion show kung saan nagmomodel ang matatanda. Sa pamamagitan ng paghahatid sa mga kabataan na “Mayroon ding ganitong kagaling na trabaho ng caregiving!”, makalikha sana ng hudyat para pumasok sila sa trabaho ng caregiving... At balang araw, kapag naging hangarin para sa mga lola na “Gusto kong lumakad sa runway na iyon isang beses sa isang taon,” baka dumami rin ang taong nagsisikap sa pagsasanay sa paglalakad.

Ms. Takase: Nagkaroon ba ng reaksyon tungkol sa fashion show?

Ms. Sasaki: May lolang unang beses na nagpa-manicure, at natuwa siya. Sa sasakyan pauwi, mayroon daw nagsabi na “Hindi ako makatulog sa pagka-excited!” Masaya kapag sinabihan akong “Mananatili ito sa aking alaala.”

Ang dahilan kung bakit naging positibo ang negatibong larawan sa isip ---

Pumasok si Ms. Shiori Mishima sa trabaho sa home for the aged nang lihim sa kanyang pamilya. Bilang life coordinator, sinusuportahan niya ang kasarinlan ng mga matatanda

Ms. Takase: Bago kayo pumasok sa industriya ng caregiving, anong larawan ang nasa isip ninyo?

Ms. Otsuka: Hanggang sa high school, gusto kong maging beterinaryo kaya interesado ako sa medisina. Dahil ganoon, simula pa lang wala akong negatibong pag-aakala sa caregiving, at patuloy na “caregiving = medisina” ang larawan sa isip ko.

Ms. Takase: Mula nang pumasok ka sa industriya, nagbago ba ang impresyong iyon?

Ms. Otsuka: Naging “kabuhayan,” “pamumuhay,” at lalo pang naging positibo ang larawan sa isip ko. Naramdaman ko kasing sa “medisina,” hinahangad ang paggamot, pero halimbawa ang dementia, sa caregiving hindi ito itinuturing na kailangang gamutin kundi hinahangad na kahit taong nangangailangan ng caregiving, maligayang makapamuhay ang taong iyon bilang natural niyang sarili.

Ms. Watabe: Sa totoo lang, dati naisip kong larangan itong hindi ko nalalaman at hindi dapat pakialaman. Pero nagkaroon ako ng pagkakataong mag-intern, at mula nang mabatid ko noon na pakikipag-ugnayan din pala ng tao sa ibang tao ang caregiving, nawala lahat ng negatibong larawan sa isip ko.

Hanggang ngayon, sandigan ko ang pakiramdam na “Ayaw kong gawin ito sa akin” na naramdaman ko noong nagpaospital ang lolo ko

Mula sa pag-aaral ng community development at community revitalization sa kolehiyo, nagkainteres sa community × welfare si Ms. Mayu Watabe.

Ms. Takase: Mayroon bang turning point kung kailan natanto ninyong gusto ninyo ang trabaho ng caregiving?

Ms. Mishima: Mahalaga ang pagkaranas ko ng “mitori” (pagbabantay sa taong maysakit hanggang sa kanyang kamatayan). Naramdaman ko muli na kahanga-hanga ang trabaho kung saan mababantayan ang huling oras ng tao. Noong una kong naranasan, iyak ako nang iyak dahil hindi ko naranasang magbantay kahit sa kamag-anak ko, at matagal bago ako nakabalik sa dati...

Ms. Takase: Gayunpaman, hindi mo naisip na magbitiw.

Ms. Mishima: Sa makailang beses na pagdanas nito, napaisip akong hindi kailangang malungkot dahil sumusuporta kami para maramdaman ng taong iyon sa huli na naging maligaya ang buhay niya.

Ms. Takase: Nagkaroon din ba ng epekto ang karanasang iyon sa buhay mo, Ms. Mishima?

Ms. Mishima: Oo. Naisip kong pahalagahan at i-enjoy ang bawat araw. At, marami ring araw na nag-aalala ako sa sarili kong kinabukasan, halimbawa tungkol sa pag-aasawa at panganganak, pero marami rin akong natututunan sa pakikipag-usap sa mga taong gumagamit na higit na maraming naranasan sa buhay kaysa sa akin.

Ms. Watabe: Para sa akin, ang pagpasok ko sa kolehiyo. Ang mabuti sa pagtuloy ko sa kurso ng Community Design ay higit na malinaw kaysa sa ibang larangan ng design kung ano ang mabuting gawan ng plano para kanino. Halimbawa, may isyu na maraming pagkamatay nang nag-iisa sa matatanda, at kung gustong lutasin iyon, gagawa ng sistema kung saan magkakaugnay ang mga lolo at lola sa pamayanan at ibang mga residente, o iba pa. Tumugma sa akin na madaling makita ang mukha ng mga taong nangangailangan ng “design” tulad ng ganitong kongkretong paglikha ng gamit at paglikha ng sistema. Naging malaking pagkakataon din ng pagbabago ang pagkamatay ng lolo ko.

Ms. Takase: Gaano kahalaga ang lolo mo para sa iyo?

Ms. Watabe: Mahal na mahal ko siya. Malusog siya dati, pero noong makita kong nagbabago ang anyo niya mula noong nagpaospital siya, na-shock ako. Nauugnay ang karanasan ko noon, nang naisip kong “Gusto kong mas makilala ninyo ang mahal kong lolo” sa mga doktor at nars na nag-aalaga sa kanya, sa paninindigan ko sa trabaho ngayon. Nagpasya akong hindi ko gagawin ang naisip kong “Parang ayaw ni Lolong gawin ito sa kanya noon” sa pagtatrabaho ko.

Damdamin na nais kong mag-ayos ng maginhawang lugar kung saan mamamalagi ang mga taong gumagamit sa kanilang huling sandali

Sa kurso ng Aesthetics and Welfare, sabay na natuto si Ms. Yukiko Sasaki ng pagiging beautician at ng aralin ng care welfare. Sa kasalukuyan, may mga anak siyang estudyante sa elementarya

Ms. Otsuka: May panahon kung kailan alalang-alala ako dahil hindi ko alam kung nakakatulong ang ginagawa kong trabaho (personnel at public relations) sa mga taong gumagamit... May isang beses na tumutulong ako sa taong gumagamit na babaeng paralisado ang kalahati ng katawan sa paggamit niya ng toilet. Sinabi ng taong iyon na “Hindi ko man lang maasikaso ang sarili ko, para akong basura, ano?” Pero ilang araw pagkatapos noon, noong narinig ko ang alaala ng taong iyon tungkol sa mahal niyang asawa na namatay na, mukha siyang masaya, ibang-iba noong sinabi niyang “parang basura,” at nag-iwan ng bakas ang sinabi niya sa huli na “Kung may alaala, matatapos nang maligaya.” Naisip ko noon na gusto kong kumuha ng mabuting staff at mag-ayos upang maging maginhawa ang lugar kung saan mamamalagi ang mga taong ito sa kanilang huling sandali. Naging malaking turning point ito.

Ms. Takase: Ms. Sasaki, nagtatrabaho ka habang nagpapalaki ng dalawang anak, di ba? May bahagi ba sa iyong karanasan sa pagpapalaki ng anak na napapakinabangan mo sa trabaho?

Ms. Sasaki: Sa caregiving, napapaisip ako nang malalim kung “Ano kaya ang iniisip ng taong ito, at nasabi niya ang ganito?” Sa pamamagitan ng matagal na pagmamasid sa tao mula sa larangan ng pagpapaganda, madali kong napapansin ang kalagayan at problema sa balat, at naihahatid ko rin sa nars ang napansin ko. Dahil abala ako araw-araw, nararamdaman ko ring kawawa ang mga anak ko... Balang araw, iniisip kong pumasok sa day service sa aesthetic recreation at iba pa, para makapagtrabaho sana nang 2-3 oras sa isang araw.

Ms. Takase: Kaakit-akit din na maraming paraan ng pagtatrabaho sa hanapbuhay ng caregiving, ano?

Dahil nga hanapbuhay ng caregiving kung saan maraming paraan ng pagtatrabaho, may hinahangad na ulirang babae

“Gustong magsikap sa trabaho, pero may hangganan ang buhay. Gusto kong gawan ng paraan ang pagtatrabaho para makasama ang taong gusto kong makita sa oras na gusto kong makipagkita” sabi ni Ms. Otsuka

Ms. Takase: Kung magpapatuloy kayong magtrabaho tulad ngayon, may mga 30 taon o higit pa. Anong klaseng babae ang gusto ninyong maging sa paggugol ng inyong buhay?

Ms. Otsuka: Ang nanay ko ang hinahangaan kong babae. Kapag namumroblema ako sa buhay sa eskuwela at umuwi ako sa bahay, palagi niyang pinapakinggan ang kuwento ko, nagsasabi siya ng “Okaeri” (welcome back home), dahil full-time housewife siya. Mahalaga iyon para sa akin.

Ms. Takase: Gusto mo bang magpatuloy sa trabaho kahit magkaanak ka?

Ms. Otsuka: Oo. Dahil sa tingin ko, may iba’t ibang paraan ng pagtatrabaho ngayon tulad ng pagtatrabaho sa bahay at pagtatrabaho sa maiksing oras. Pero kung naghahangad ng kapaligiran, dapat pahusayin ang kasanayan nang naaayon doon, at mahanap kung saan ka kakailanganin. Hindi taong nagsasabi lang ng gusto niyang gawin, hanga ako sa taong talagang nagsisikap, at gusto ko ring maging ganoon.

Ms. Watabe: Gusto ko namang maging taong may lakas ng loob pero flexible, taong nakikibagay. Gusto kong maging taong habang may lakas ng loob na gustong ipagpatuloy ang isang bagay hanggang sa wakas, hindi iyon pagpipilitan kundi nabubuhay nang flexible at natatanggap na “May ganitong paraan din.”

Ms. Mishima: Sa tingin ko rin, kaakit-akit ang babaeng may lakas ng loob. Dahil walang tamang sagot sa trabaho ng care, sa lugar para sa caregiving, madaling ibagay ang palagay at sumunod sa ibang tao, pero napapakiling sa maling direksyon kapag sunod lang nang sunod. Dahil hindi ako magaling sa ganyan, gusto kong magkaroon ng lakas ng loob.

Mula sa lugar para sa caregiving, gustong baguhin upang gawing bansa kung saan mararamdamang “Masayang masaya ang tumanda”

“Sa karaniwan ‘caregiving = mahirap’ ngunit dahil para sa akin, ‘caregiving = ang saya-saya,’ gusto kong maipasa ang pang-akit na iyan sa batang henerasyon” sabi ni Ms. Sasaki

Ms. Takase: Bilang pangwakas, pakisabi ang inyong pangarap at layunin mula ngayon.

Ms. Otsuka: Gusto kong makapagpahatid ng wastong impormasyon tungkol sa industriya ng caregiving. Sa mga taong hindi nakakapansin sa pang-akit ng industriya ng caregiving, sigurado akong mayroong taong natutugma, at masaya at aktibong makakalahok sa industriya ng caregiving, at kung maayos ang pagtutugma, magkakaroon sana ng maligayang resulta para sa isa’t isa, kaya sayang at puro maling impormasyon at larawan sa isip lang ang kumakalat.

Ms. Watabe: Gusto kong mapag-isipan nang patag ang pagtatapos ng buhay ko at pagtanda ko. Kung maaari, mabuti kung mapag-iisipan ko iyon kasama ng tao sa ibang larangan. Lumalaganap sa lipunan ang mga susing salita tulad ng “Jinsei kaigi” (Advance Care Planning) at “Shūkatsu” (paghahanda para sa katapusan ng sariling buhay), pero sa tingin ko nakakarating lang ang mga ito sa grupong may interes dito.

Ms. Takase: May kongkreto ba kayong larawan sa isip tungo sa pagsasaganap ng inyong mga pangarap at layunin?

Ms. Watabe: Kung mapagsasama-sama ang kultura at welfare o mitori (pagbabantay sa taong maysakit hanggang sa kanyang kamatayan), sa tingin ko, masayang mapag-iisipan habang bata pa ang tungkol sa pagtatapos ng buhay at pagtanda. Magaling kung magagawa kong trabaho ang ganitong pagmumungkahi.

Ms. Sasaki: Totoong maraming negatibong larawan sa isip tungkol sa pagtanda. Gusto kong baguhin ang bansang ito para maramdamang “Ang sayang tumanda sa bansang ito” sa pamamagitan ng impluwensya ng pagpapaganda.

Ms. Takase: Gusto mong ipagpatuloy ang fashion show?

Ms. Sasaki: Oo. Ginawa ko ang fashion show dahil sa damdaming gusto kong magising ang saya at galak na natutulog sa loob ng mga matatandang sumuko na sa buhay. Sana balang araw ipatawag ito sa iba’t ibang lugar, para mapasigla ang pamayanan doon. Ipapahanda ang mga kasuotan sa tindahan ng damit sa napabayaang shopping district, at magkasamang maglalakad ang apo at lola.

Ms. Mishima: Ang layunin ko ngayon ay ang kumuha ng lisensya ng Certified Social Worker. Para maghandog ng caregiving, nararamdaman kong kailangang malaman din ang tungkol sa mga taong may kapansanan at hindi lang ang matatanda.

Ms. Takase: May layunin ka ba sa hinaharap?

Ms. Mishima: Kapag nakuha ko ang lisensya at natapos din ang pangunahing pag-aaral sa kumpanya, gusto kong magkaroon ng welfare cafe sa nasa modang lumang bahay. Gusto ko sanang makipaghalubilo sa iba’t ibang henerasyon sa bulubunduking lugar. Siyempre gusto kong maglagay ng pamphlet sa welfare at mga kagamitang pang-welfare, at gusto ko ring gumawa ng puwesto kung saan makakasuporta sa paraan ng pag-apply para sa long-term care insurance.

Ms. Takase: Naramdaman kong malaki ang bisa ng lugar sa pagdaraos ko ng cafe. Sa tingin ko, kapag lugar na nasa moda at kung saan makaka-relax, magugustuhang pumunta ulit doon, at magiging lugar na madaling puntahan kahit ng taong walang direktang kaugnayan sa caregiving. Kapag dumami ang pagkakataon para maramdamang malapit sa sarili ang caregiving sa lugar kung saan makakapaghalubilo ang iba’t ibang henerasyon, unti-unting magbabago ang larawan sa isip ng mga tao. Sa pag-uusap ngayong araw, may natuklasan ako muli, at tila marami pang maipapahatid tungkol sa lalim at pagiging karapat-dapat gawin ng trabaho ng caregiving na magpapasan ng tampok na tungkulin sa lipunan ng matinding pagtanda. Maraming salamat sa pagbabahagi ninyo ngayong araw.

PROFILE
Ms. Hisako Takase / Kinatawan ng “Incorporated NPO Mirai wo tsukuru kaigo cafe” (Caregiving cafe na lilikha sa kinabukasan). Certified Care Worker, Certified Social Worker, Care Manager. Nagtatrabaho bilang care manager, at namumuno rin sa “Mirai wo tsukuru kaigo cafe” (Caregiving cafe na lilikha sa kinabukasan). Isinasaganap ang parallel career ng care manager at cafe sa industriya ng caregiving, at naghahatid ng impormasyon tungkol sa kinabukasan at specialization ng caregiving, at bagong paraan ng pagtatrabaho.

HOME