LANGUAGE

広告特集 企画・制作 朝日新聞社メディアビジネス局

LANGUAGE

SHARE

Ano ang itinatampok na paraan ng pagtatrabahong “parallel career,” na magbabago sa industriya ng caregiving na kumikiling sa pagiging sarado?

“Hindi nakakaramdam ng kabuluhan sa trabaho ngayon,” “Interesado sa double work, pero hindi alam kung ano ang mabuting gawin,” at iba pa, maraming taong namumroblema at nalilito sa kanilang buhay at trabaho. Dahil dito, bilang isa sa mga mapagpipiliang “Trabaho × Buhay,” pagtutuunan ng pansin ang style na “parallel career” na iba sa double work kung saan kabayaran lamang ang layunin, at iba rin sa side job. Nakapanayam namin tungkol sa pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng caregiving at posibilidad na lumawak ito sa pamamagitan ng parallel career, si Ms. Hisako Takase na namumuno sa “Mirai wo tsukuru kaigo cafe” (Caregiving cafe na lilikha sa kinabukasan) habang nagtatrabaho bilang care manager sa lugar para sa caregiving, at si Mr. Yuki Hiro na namumuno sa NPO na “Nimaime no meishi” (Pangalawang business card) na nagmumungkahi ng style na “Pangalawang business card” na personal na business card para sa pagsisikap sa paglikha ng lipunan, bukod sa pangunahing trabaho.

Parehong isinasalaysay nina Ms. Takase (kaliwa) at Mr. Hiro (kanan) ang halaga ng “pagkilos sa sariling inisyatibo”

––Hinihingi mula sa lipunan ang “magtrabaho nang nakakaramdam ng kabuluhan,” pero minsan mahirap ding tunay na makaramdam ng “kabuluhan” at “magtrabaho nang masigla” sa loob ng araw-araw na pamumuhay. Lalo na sa loob ng pag-uukol ng oras sa caregiving, paano makakahanap ng kabuluhan at kasiyahan sa trabaho?

Takase: Marami sa mga lumalahok sa itinataguyod kong “kaigo cafe (*1)” (caregiving cafe) ang mga taong nagtatrabaho sa caregiving na sadyang gustong gumawa ng unang hakbang na natural sa kanilang sarili. Nasa gitna nito ang mga taong nasa kanilang 30s hanggang 40s, at marami ang mga walang katiyakan sa hinaharap at gustong maghanap ng susunod na career. Lubos kong naiintindihan ang damdamin nila dahil ako mismo ganoon din noon.

*1 kaigo cafe (caregiving cafe)... Daglat ng “Mirai wo tsukuru kaigo cafe” (Caregiving cafe na lilikha sa kinabukasan). Itinatag noong 2012 bilang lugar kung saan maaaring lumikha ng hudyat para gumawa ng unang hakbang, sa pamamagitan ng malayang pagsasalaysay ng naiisip, nang hindi iniintindi ang titulo o opisyal na posisyon, ayon sa paksang malapit sa sarili kaugnay sa caregiving. Idinaraos ang cafe ayon sa konseptong “gustong pasiglahin ang industriya ng caregiving” at “gustong baguhin ang larawan sa isip ng mga tao tungkol sa industriya ng caregiving.” Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng paglulunsad ng community na katulad ng kaigo cafe (caregiving cafe) sa iba’t ibang lugar.

––Ms. Takase, bakit mo sinimulan ang “kaigo cafe” (caregiving cafe)?

Takase: Gusto kong lumikha ng lugar kung saan maaaring malayang magsalaysayan nang hindi iniintindi ang titulo o opisyal na posisyon, tungkol sa mga bagay na kaugnay sa caregiving. Kapag nagtatrabaho sa caregiving, hindi nakakalabas sa sariling kusa, at wala ring hudyat para malaman ang mundo sa labas. Pero sa pamamagitan ng lugar kung saan nagsasalaysayan ng damdamin, nagigising ang posibilidad na hindi napuna hanggang noon at bagay na natutulog sa loob ng sarili, at maaari ring makagawa ng unang hakbang. Halimbawa, upang mag-step up sa industriya ng caregiving ngayon, ipinapalagay na walang ibang mapagpipilian kundi ang magtamo ng maraming karanasan at maging tagapangasiwa, o magpakasanay sa trabaho ng espesyalista bilang care manager. Pero sa pamamagitan ng pakikipag-usap, tiyak na mapapansin ding may iba’t ibang mapagpipilian bukod dito.

Hiro: Hindi lang sa industriya ng caregiving, sa palagay ko mayroon ding isyung katulad nito sa iba’t ibang industriya. Sa gitna nito, nagsimulang mapansin ng mga kumpanya kamakailan na mabuti ang sadyaing papuntahin sa labas ng kumpanya, o palabasin sa ibang industriya ang kanilang empleyado. Binibigyang-pansin ang daloy kung saan hindi patitigilin sa loob ng organisasyon kundi papupuntahin sa labas ang empleyado, upang mahikayat ang pag-unlad nito, at makalikha ng halaga pagbalik nito sa kumpanya.

––Magkakaroon ng anong pagbabago sa pamamagitan ng paglabas sa lugar na naiiba sa lugar na pinalalagian?

Takase: Mahalaga rin ang malulong sa isang trabaho lang, pero kung mayroong ilang lugar, makakakita nang obhetibo. Saradong mundo ang industriya ng caregiving, at kapag nakababad ka rito, hindi makikita bilang problema na “hindi ito normal.” Sa pamamagitan ng pag-alam ng mundo sa labas, mapapansin at matutuklasang “Kapag ginawa ang ganitong paraan, maginhawa para sa caregiver at sa taong inaalagaan.” Higit pa rito, kapag isa lang ang lugar na pinalalagian, nakakasakal at madaling maipit ang pag-iisip, di ba?

Hiro: Totoo iyan. Maraming bagay na “natural lang” sa industriya ng caregiving ang hindi natural kapag lumabas ka rito. Sa tingin ko, ang taong nakapansin sa bagay na iyan ang magiging taong magbabago sa industriya ng caregiving. At ang paglabas sa lugar na iba sa palagi ay pagkakataong makadama ng iba’t ibang pagpapahalaga. Tiyak na magiging hudyat din ito para muling tukuyin kung bakit gustong gawin ang caregiving, anong caregiving ang gustong gawin, sa loob ng sarili. Lampas doon, sana makapili at makapagplano ng trabahong caregiving at iba pang trabaho, kung pipili, at dagdag pa rito ang pamumuhay kasama ang tahanan.

Takase: Kapag sariling pinili nga, magtatagal ang taong nakatagpo ng ganoong bagay dahil may damdamin ng pagmamay-ari. Kapag nakatagpo ng bagay na talagang gustong gawin, masiglang masigla rin. Kapag kamalayang “walang mapagpilian kundi ito” o “walang magagawa dahil pinili ng iba,” maiisip lang na hiwalay iyon sa sarili, at madalas hindi nagtatagal.

Magkakaroon ng ugnayan sa lipunan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng damdamin ng pagmamay-ari

Itinutulak ni Mr. Hiro ang unang hakbang sa parallel career sa pamamagitan ng “NPO Nimaime no meishi” (Pangalawang business card) (Naghandog ng litrato: NPO Nimaime no meishi (Pangalawang business card))

––Anong klaseng tao ang mayroong “Nimaime no meishi” (*2) (Pangalawang business card) ng NPO ni Mr. Hiro?

*2 Nimaime no meishi... Mula sa konsepto ng “Pangalawang business card,” nagmumungkahi ng modelo kung saan iniuugnay ang NPO at taong nagtatrabaho, at habang hinihikayat ang pagbabago at pag-unlad ng taong nagtatrabaho, sabay na itinutulak ang pagsulong ng kumpanya. Bukod sa pagsasagawa ng “Proyekto ng Suporta” upang maging hudyat sa pagkakaroon ng taong nagtatrabaho ng pangalawang business card, nagsisikap sa paglikha ng kapaligiran kung saan madaling magkaroon ng pangalawang business card sa pakikipagtulungan sa kumpanya at pamahalaan. Itinatag noong 2009.

Hiro: Itinuturing na “Nimaime no meishi” (Pangalawang business card) ang personal na business card para sa pagsisikap sa paglikha ng lipunan, bukod sa unang business card sa pangunahing trabaho. Karaniwang tinatawag din itong “Parallel career.” Kung kabayaran ang layunin ng nakagawiang side job, ang Nimaime no meishi (Pangalawang business card) ay paraan upang maipahayag ang sariling pagpapahalaga sa lipunan, at pagkakataon din para sa sariling pag-unlad. Hindi kaunti ang taong gustong gumawa ng kilos na may pakikipag-ugnay sa lipunan bukod sa pangunahing trabaho, pero hindi alam kung paano mabuting magsimula, o hindi alam ang kilos na naaakma sa sarili. Sa NPO Nimaime no meishi (Pangalawang business card), nagsasagawa ng proyekto kung saan bumubuo ng team ang mga taong nagtatrabaho, at nagsisikap sa pagsulong ng programa ng mga NPO atbp. sa takdang panahon na 3 hanggang 4 na buwan. Sa pamamagitan ng pagsubok na magkaroon ng Nimaime no meishi (Pangalawang business card), at paglahok sa proyektong nakakaramdam ng pakikiisa, itinutulak ang unang hakbang sa parallel career.

––Ano ang naging pagbabago sa taong aktuwal na nagkaroon ng Nimaime no meishi (Pangalawang business card)?

Hiro: Maraming tao ang nagsasabing “Nagbago ang aking pagpapahalaga.” Sa pagdama sa pagpapahalaga at sigasig ng mga taga-NPO at team member, kusang muling natutukoy ang sariling pagpapahalagang madaling mawala sa paningin sa loob ng palagiang trabaho. Kapag nagsimulang luminaw kung sino ka, at kung ano ang gusto mong isaganap sa lipunan, makakamit ang ownership ng sariling buhay na hindi ibinigay, o ipinasya ng kung sino. Sa tingin ko, masagana ang buhay kung saan makakapili ka ng bagay na iyong “gustong gawin,” at napakagandang bagay ito.

Takase: Para sa akin din, nararamdaman kong buhay ako. Dahil ako ang pumipili ng lahat ng ginagawa ko, sunod-sunod na lumilitaw ang gusto kong gawin.

Hiro: Ang gustong gawing bagay na iyan, hanggang doon, tinangkang isaganap sa loob ng isang trabaho lamang, pero kaisipan ang parallel career na hindi kinakailangang patapusin sa loob ng isang trabaho lamang. Sa tingin ko, kapag pumili ka ng “gusto mong gawing bagay” at nagsisikap dito, makakapagtrabaho nang masigla at may damdamin ng pagmamay-ari, at makakaramdam din ng kabuluhan.

––Tila magkakaroon din ng magandang epekto sa paligid, ano?

Takase: Sa tingin ko, kapag may nakamit na bagay kung saan magaling sa labas, makakaharap din sa lugar para sa caregiving sa bagong pananaw. Mas makakapagtrabaho din nang masigla kapag may ilang lugar na kalalagyan, di ba?

Kung walang sasabihin, walang mangyayari...pangangailangan ng kusang paggawa ng aksyon

Sa “kaigo cafe” (caregiving cafe), naghahandog si Ms. Takase ng iba’t ibang lugar kung saan maaaring mag-usapan ang mga kalahok (Naghandog ng litrato: kaigo cafe (caregiving cafe))

––Anong klaseng payo ang ibinibigay ninyo sa taong hindi makahanap ng gustong gawin simula pa lang?

Hiro: Sa tingin ko, una sa lahat, ang gumawa ng unang hakbang palabas mula sa saklaw ng palaging ginagawang trabaho at pamumuhay. Kung magkaroon ng hindi inaasahang estimulo at pagtatagpo sa pamamagitan ng pagkalas sa pinagkaugalian, mauugnay sa pagtuklas ng sariling hindi napansin hanggang ngayon, o ng gustong gawing bagay, di ba?

Takase: Sa palagay ko, kung may kahit kaunting interes, mabuting magsimula mula sa paggawa ng aksyon at pagsubok na lumahok. O kung makatagpo ng taong gusto mong kasama sa paggawa ng isang bagay, mabuti rin iyon. Dahil may posibilidad na magkaroon ng bagong bagay mula roon. Sa tingin ko, para dito mayroong lugar tulad ng “Nimaime no meishi” (Pangalawang business card) at “kaigo cafe” (caregiving cafe).

––Ibig sabihin, mahalaga una sa lahat ang gumawa ng aksyon, tama?

Takase: Karamihan ng bagay ay hindi darating mula sa kabilang gawi kung hindi ka lalabas mula sa sarili mo. Gayunpaman, totoo ring kailangan ng pandamdam para maipag-ugnay ang magkakaibang tao. Dahil dito, mula ngayon kakailanganin din sa trabaho ng caregiving ang kakayahang magmungkahi at kakayahang magkonsepto, sa tingin ko. Kulang ang kakayahang maglahad na “Ganito ang gusto kong gawin” sa karamihan ng mga tao. Kapag pumunta sa “kaigo cafe” (caregiving cafe) at makatamo ng kakayahan sa komunikasyon sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng ibang tao, siguro magiging mas madali ring sabihin sa bos ang mga bagay na pinagtatakahan at bagay na gustong imungkahi.

Hiro: Sa pamamagitan ng pagsasalita, maiaayos din ang sariling opinyon, at mula sa reaksyon ng kausap pagkatapos ng paghahatid, maaari ring matuto, ano?

Takase: Kung hindi naging matagumpay, mapagtatantong siguro hindi mabuti ang aking paraan ng paghahatid, o hindi nakakabuo ng kaugnayan ng pagtitiwalaan sa taong ito. Kung walang sasabihin, walang mahahatid...paulit-ulit iyon, di ba?

Walang hangganan ang posibilidad ng maaaring gawing bagong kombinasyon ng “Caregiving × ○○”

“Maraming lalabas na inisyatibong ‘Caregiving × ○○’ mula ngayon,” sabi ni Mr. Hiro

––Mr. Hiro, sa pagtingin mula sa labas, mayroon ka bang naiisip na mabuting baguhin sa industriya ng caregiving?

Hiro: Sa tingin ko, ang industriya ng caregiving ay isa sa mga industriyang hindi sumusulong ang pag-unlad ng makabagong teknolohiya, at bagong inisyatibo sa labas ng industriya. Sa kabilang banda, mayroong mga taong nagtatangkang magdala ng bagong ideya upang malutas ang kakulangan sa tauhan sa caregiving, at upang maisaganap ang higit na mataas na kalidad ng caregiving. Halimbawa, nagsisimulang maisaganap ang paglikha ng care plan nang pinakikinabangan ang AI, at digitalisasyon ng pangangasiwa sa kalagayan ng katawan at nutrisyon batay sa pinauunlad na sensor. Mula sa bagong paghahalong “Caregiving × ○○” mula ngayon, tiyak na magkakaroon ng inisyatibong lulutas sa mga isyu sa caregiving. Sa palagay ko, kakailanganin ang pagpupunyaging magpasok ng mga bagong bagay dito.

Takase: Sa tingin ko rin, mapapakinabangan sa lahat ng larangan ang caregiving. Nakatuon kasi ito sa pamumuhay, e. Sa lipunan ng matinding pagtanda, kategorya itong maaaring makipagkolaborasyon sa lahat ng larangan. Kaya palagay ko, sa katotohanan, kinakailangan ito kahit saan.

Hiro: Mula sa katayuan ng kumpanya, kailangang ipahatid ang problema sa lugar para sa caregiving upang mapaunlad ang bagong teknolohiya bilang bagay na kinakailangan sa lugar para sa caregiving. At gusto ring makakuha ng suhestiyon mula sa lugar ng caregiving kung ano ang dapat gawin upang maging bagay na tunay na kailangan ang pinauunlad na produkto at serbisyo. Kaya talagang mahalagang bagay ang kaalaman sa lugar para sa caregiving.

––Hindi sumuko na nasa saradong lugar ang taong nagtatrabaho sa caregiving, kundi sana matantong maraming kombinasyon at makapaghatid ng impormasyon, ano?

Takase: Mahalaga ang mayroong pangitain kung anong caregiving ang gusto mong gawin upang mahanap ang “○○” sa “Caregiving × ○○.” Kung maitayo ang sariling bandila roon, magtitipon ang mga taong may interes. Para dito, hindi mahahanap kung hindi kusang lumabas, at dahil kailangan ng pandamdam para maipag-ugnay ang caregiving at ○○, at para rin malinang ito, sana gamitin ang “kaigo cafe” (caregiving cafe). Mayroon din kasing kaso kung saan aktuwal na pinakikinabangan ang specialization sa paraan tulad ng pakikipagtulungan sa taong mula sa karaniwang kumpanya.

Rekomendasyon ng “caregiving” bilang parallel career

“Sana makalikha ng lipunan kung saan magbibigayan ng ‘care’ sa isa’t isa nang hindi nahahadlangan ng pangalang ‘propesyon ng caregiving,’ sabi ni Ms. Takase

––May payo ba kayo para sa mga taong magsisimula ng caregiving bilang parallel career?

Takase: Una, sa tingin ko, kailangang usisain sa sariling paraan kung ano ang mayroong paraan ng pagtatrabaho, gaano gustong makaugnay dito, at anong caregiving ang makakaya. Mabuting pumunta para magmasid sa pasilidad o lugar ng negosyo kung saan may interes, aktuwal na tingnan sa sariling mata at tiyakin kung makakaya ito.

Hiro: Sinasabing magiging malapit sa 40 milyong katao ang populasyon ng 65 taong gulang at higit pa sa taong 2040. Nagiging makitid ang depinisyon kapag sinasabi ang propesyon ng caregiving, nangangailangan ng caregiving, at nangangailangan ng suporta, pero kung palalawakin nang kaunti, ang trabaho ng caregiving ay ang suportahan ang mga taong nagkakaroon ng limitasyon sa pagkilos. Sa kabaligtaran, sa tingin ko, hindi lamang para sa mga taong sinasabing nangangailangan ng caregiving o nangangailangan ng suporta ayon sa sistema, mas mapapakinabangan nang malawakan ang kaalaman sa propesyon ng caregiving. Sa trabaho ng caregiving, may kasiyahan din siguro sa paglagay sa sarili sa industriyang nagbabago, at sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iba’t ibang paraan ng caregiving, marahil magiging mas madali kaysa dati na maipahayag ang anyo ng caregiving na natural sa sarili.

Takase: Siguro mas mabuti ang salitang “care” kaysa sa caregiving. Nagiging mahalaga hindi ang taong nagbibigay, taong tumatanggap, kundi ang pagsusuportahan sa isa’t isa. At sabihin mang propesyon ng caregiving, may iba’t ibang uri ng propesyon. Dahil may iba’t ibang paraan ng pakikipag-ugnayan, mapapakinabangan din ang napundar na ibangcareer hanggang doon. Hindi bukod-tangi ang caregiving, kundi ibang tawag sa bagay na ginagawa ng lahat sa karaniwan. Caregiving din ang sama-samang paglutas ng iba’t ibang “problema” na nangyayari sa loob ng pamayanan. Sa pamamagitan ng tahimik na pagsasama ng mga taong may dalubhasang kaalaman sa loob ng pamayanan, at pagpapadami ng pagkakataong mapakinabangan ang bagay kung saan sila magaling, tiyak na mauugnay ito sa pag-angat ng motibasyon sa propesyon ng espesyalista, at makakatulong din sa paglikha ng pamayanan kung saan makapamumuhay nang panatag ang loob. Mapadami sana ang propesyon ng espesyalistang maaaring maugnay sa mundo sa labas, at sana maitulak ito.

(Nagtipon ng materyales at nagsulat: Reina Tominaga, Litrato: Ayako Shimobayashi, Enero 17, 2020)

PROFILE
Hisako Takase / Kinatawan ng “Incorporated NPO Mirai wo tsukuru kaigo cafe” (Caregiving cafe na lilikha sa kinabukasan). Certified Care Worker, Certified Social Worker, Care Manager. Nagtatrabaho bilang care manager, at namumuno rin sa “Mirai wo tsukuru kaigo cafe”. Isinasaganap ang parallel career ng care manager at cafe sa industriya ng caregiving, at naghahatid ng impormasyon tungkol sa kinabukasan at specialization ng caregiving, at bagong paraan ng pagtatrabaho.

PROFILE
Yuki Hiro / Kinatawan ng “Incorporated NPO Nimaime no meishi” (Pangalawang business card). Sinimulan ang “NPO Nimaime no meishi” noong 2009 (Incorporated NPO mula 2011). Bukod dito, magkaagapay na nagsisikap sa pagbuo ng negosyo sa pagkain at produkto ng pagkain sa trading company sa loob at labas ng bansa, at sa katungkulan ng pag-uugnay ng paaralan sa mga pamayanan at kumpanya bilang general coordinator ng Shibuya City Board of Education. Ama siya ng 4 na anak.

HOME