LANGUAGE

広告特集 企画・制作 朝日新聞社メディアビジネス局

LANGUAGE

SHARE

Magtrabaho kasama ang anak! Bagong paraan ng pagtatrabaho na binibigyang pansin sa industriya ng caregiving

Maraming working mothers ang nagtatrabaho sa lugar para sa caregiving, ngunit sadyang iba-iba ang mga paraan nila ng pagtatrabaho.
Halimbawa, sa “Aoi Care” na maliit na multi-functional, nakatuon sa pamayanan na serbisyong pang-welfare para sa mga matatanda, at sa “Eustyle Laboratory” na kumpanyang naghahandog ng serbisyo ng medical care, tinatanggap ang pagtatrabaho nang kasama ang anak.
Paano kaya nagtatrabaho ang mga nanay sa kapaligiran kung saan maaaring magtrabaho nang kasama ang anak? Sa artikulong ito, ihahatid ang hindi ninyo nalalamang lugar ng trabaho ng caregiving.

Dahil lumaking nakikita ang kalagayan ng inang nagtatrabaho, natural na pumasok sa trabaho ng caregiving

Si Ms. Moe Shiina ang unang ininterbyu; nagtatrabaho siya sa “Aoi Care” na serbisyong pang-welfare para sa mga matatanda na nasa lungsod ng Fujisawa sa Kanagawa prefecture. Ipinanganak siya sa inang nagtatrabaho sa pasilidad na ito, at sa kasalukuyan, siya rin ay patuloy na nagtatrabaho rito.

––Ms. Shiina, puwede mo bang sabihin kung ano ang naging hudyat upang magtrabaho ka sa Aoi Care?

“Medyo naiiba ang kaso ko, dahil mula noong bata pa ako, nagtatrabaho ang nanay ko sa Aoi Care, at nakita ko nang malapitan ang ganoong kalagayan. Single mother ang nanay ko, at pinalaki niya kaming tatlong babaeng magkakapatid, pero mula noong estudyante ako sa junior high school, kaysa umuwi sa bahay, pumupunta ako sa lugar kung saan nagtatrabaho ang nanay ko. Mula naman noong naging estudyante ako sa senior high school, natural na napaisip akong ‘Kung magtatrabaho ako, gusto ko sana rito,’ nakipagkasundo ako sa presidente kung ‘Puwede po ba akong magtrabaho rito?’ at noong nagtapos ako, nagsimula akong magtrabaho rito”

––Nagbago ba ang impresyon mo sa Aoi Care mula noong pumasok ka sa trabaho?

“Hindi naman nagbago, para sa akin parang sarili kong bahay, o parang bahay ng lola ko, ganyan pa rin ang impresyon ko. Kaya hanggang ngayon kaysa ‘Pupunta para magtrabaho ng caregiving,’ sa mabuting diwa, mas nararamdaman kong ‘Sasamahan ko ang mga nahihirapang lola, sa pinasyalan kong lugar.’ Sa halip ng caregiving, ‘Medyo nagbibigay ng tulong’ ang pakiramdam ko sa pagtatrabaho”

––Bago ka manganak, anong paraan ng pagtatrabaho ang ginawa mo?

“Para sa akin, maraming taong mapagkakatiwalaan sa Aoi Care, kaya lugar ito kung saan napapanatag ang loob ko. Mayroon ding maternity leave, pero kahit nasa bahay hindi rin ako mapakali, at mas napapanatag ang loob ko kapag nandito ako dahil lahat ng taong nakasanayan at napamahal na sa akin nandito, kaya kahit sa araw bago ako manganak pumunta ako rito. Kahit magsimula pa ang paghilab ng tiyan, ok lang kapag nandito silang lahat, ganyan ang pakiramdam ko...Pero sa kalaunan, nagsimula ang paghilab ng tiyan ko sa gabi noong nakauwi na ako sa bahay, e”

––Paano ang timing ng pagbalik mo sa lugar na pinagtrabahuhan mo?

“Ganap na bumalik ako sa trabaho mula noong 3 buwan na ang anak ko, pero madalas akong nagpapakita rito noong mga 1 buwan mula ng pagkapanganak ko. Sa pagkabalisa ko sa unang pagpapalaki ng anak, kapag pumunta ako rito, may kapanatagan ng loob dahil nandito ang nanay ko, at kasama kong mag-aalaga ang mga lolang gumagamit ng serbisyo dito. Maraming karanasan sa buhay ang mga lola, at pinapaliguan nila ang baby ko, at natulungan ako dahil marami akong balisa at stress sa unang pagpapalaki ng anak”

Nakatulong din sa edukasyon ng anak ko ang paggugol ng oras kasama ang mga lola

––Ngayon, sinasama mo rin ang pangalawang anak mo sa trabaho. Nagkaroon ba ng pagbabago dahil nasa pasilidad ang mga anak mo? “

“Itinuturing ng mga lola ang mga anak ko na parang tunay nilang apo. May taong matindi ang pagtaas at pagbaba ng damdamin, at kapag hindi alam kung ano ang gagawin, karaniwang naninigas ang mukha, pero pagdating ng anak kong babae, nagbabago kaagad at nagiging punung-puno ng ngiti ang mukha niya. Kapag pinagalitan ko ang anak ko, mayroon ding taong nagsasabi ng ‘Bakit ka nagagalit’ at ipinagtatanggol ang anak ko. Mayroon ding taong hindi mahilig sa bata, kaya hindi puro mabuting bagay lang, at nababagabag din ako...Pero kapag nakita ko ang taong natutuwa nang ganoon, naiisip kong mabuti na nakakasama ng mga lola ang mga anak ko”

––Marami rin bang mabuting epekto sa mga anak mo?

“Ang mga bata, talagang tinitingnan nang mabuti ang ginagawa ng matanda, hindi ba? Kapag kausap ang lolang mahina ang pandinig, natural na malapit sa tainga na kinakausap sa malakas na boses, o kapag pupunta sa banyo ang taong gumagamit ng baston, sinasabing ‘Nakalimutan mo ang baston mo, o’.... Sa paggamit din ng chopsticks, kahit hindi ko sadyang itinuro, sa panonood sa mga lola, natural nilang natutunan at magaling silang nakakagamit. Nakakatulong din sa edukasyon ng mga anak ko, kaya talagang nagpapasalamat ako”

––Paano ka nakikipagtulungan sa ibang staff?

“Talagang malaking tulong na may pag-unawa ng mga tao sa paligid. Kapag kailangan kong umalis para magsundo o maghatid, sila ang nag-aalaga para sa akin, at dahil malayang nakakapaglakad sa loob ng pasilidad ang mga anak ko, sinusuportahan din nila ako kapag nasa ibang tanggapan ako. Noong estudyante ako sa junior high school, dumalaw ako sa isang special nursing home for the aged bilang pagsubok ng trabaho. Sa lugar na iyon, hindi maaaring pumasok o lumabas nang malaya ang mga taong gumagamit, hindi rin sila maaaring maligo nang matagal, kaya nagulat ako. Para sa akin, pangkaraniwan ang tanawing nakikita ko sa Aoi Care. Mula noon, naramdaman kong maganda ang lugar na ito kung saan bilang parehong tao, maaaring gawin ng mga taong gumagamit ang gusto nilang gawin”

Gusto kong baguhin at gawing bagay na matatawanan kahit ang malungkot na pangyayari, at pangitiin ang lahat

––Ms. Shiina, puwede mo bang sabihin kung ano ang naiisip mong akit at kabuluhan ng trabaho ng caregiving?

“Pinakamasaya ako sa ngiti ng mga lola, at kapag sinabihan ako ng salamat. Noong una pa lang akong magtatrabaho, sinabi sa akin ng nanay ko na ‘Mas naaalala ng mga taong may dementia ang malungkot na bagay at paghihirap kaysa sa masayang bagay,’ at mula noon iniisip kong ‘Gusto ko silang magkaroon ng maraming masayang saloobin’ sa aking pagtatrabaho. Siguro makakalimutan nila ito, pero gusto ko sanang baguhin at gawing bagay na matatawanan ang malungkot na bagay, para maging masayang oras ang aming pagsasama”

Balak kong magtrabaho nang Sabado lang, pero inalok akong “Sa weekday din, kasama ang anak mo”

Susunod, Si Ms. Chiharu Michinoshita ang pangalawang ininterbyu; nagtatrabaho siya sa tanggapan ng Day Service Tsuchiya Wakamiya (nagpapatakbo: Eustyle Laboratory) kung saan nagtitipon ang mga taong gumagamit na may dementia. Ano ang dahilan kung bakit ang balak na pakinabangan ang lisensya at magtrabaho lang sa weekend ay humantong sa pagtatrabaho kasama ang anak pati sa weekday?

––Ms. Michinoshita, ano ang naging hudyat upang hangarin mo ang trabaho ng caregiving?

Dati, hanggang ipanganak ko ang panganay kong babae, nagtrabaho ako nang mga 10 taon sa special nursing home for the aged. Naging hudyat sa pagpasok ko sa trabaho ng caregiving noong nagkaroon ng dementia ang lola ko noong estudyante ako sa junior high school. Gusto kong matulungan ang nanay ko nang kahit kaunti, kaya kumuha ako ng lisensya ng certified care worker sa professional training college. Namatay ang lola ko bago ako nakakuha ng lisensya, pero dahil masaya akong makita ang ngiti ng mga taong gumagamit, misyon ang tingin ko sa trabahong ito. Kaya kahit pagkatapos manganak, gusto kong pumasok sa parehong trabaho, kahit Sabado lang kung kailan walang trabaho ang asawa ko...ganyan ang naisip ko noong pumunta ako para sa interbyu, pero sinabihan ako na ‘Kung maaari, gusto mo bang isama ang anak mo at magtrabaho ng ilang araw sa isang linggo?’ Mula noon, kasama ang weekday, nagtatrabaho ako ng 2-3 araw sa isang linggo”

––Gaano katagal ang naging puwang sa iyong pagtatrabaho?

“Ganap na 4 na taon ang naging puwang. Noong una, nag-aalala ako kung makakapagtrabaho ba talaga ako nang kasama ang anak ko, pero mahilig sa bata ang direktor ng dibisyon at inalagaan niya ang anak ko, at naging malaking tulong ito sa akin. Lalo na dahil 1 taon at 10 buwan pa lang ang bunso ko, na panahon kung kailan maraming kailangang gawin para sa bata, pero kung abala ako sa ibang gawain, kinakarga, nilalaro, at pinatutulog niya ang baby ko para sa akin.... Unang kaso raw ako na magtrabaho nang may kasamang anak, pero talagang nakikipagtulungan sila sa akin”

––Tatanungin natin ang direktor ng dibisyon na si Mr. Sasajima. Bakit ninyo tinanggap ang unang pagtatrabaho nang kasama ang anak?

Mr. Sasajima “Hindi marami ang taong may lisensya ng certified care worker, at may karanasan ng pagtatrabaho nang 10 taon sa special nursing home for the aged. Sayang kung maging balakid ang anak at hindi makapagtrabaho ang taong may ganoong antas ng karera. Mahilig ako sa bata, at dahil may anak akong lalaking kapareho ng edad, naramdaman kong puwedeng ako ang tumugon kung may mangyari, kaya inalok ko siya na gusto ko talagang magtrabaho siya rito”

Para sa mga taong gumagamit, “Guro ng origami” ang panganay kong babae

––Nagkaroon ba ng pagbabago sa mga anak mo sa pagpunta nila sa day service?

“Dahil palagi silang napapaligiran ng mga matanda, lumaki silang batang hindi nahihiya kahit kanino, at hindi nangingilala. Lalo na ang panganay kong babae, matulungin siya. Madalas na gumawa ng mabusising trabaho tulad ng origami ang mga taong gumagamit na may dementia, pero dahil mahusay ang kamay ng panganay kong babae, siya ang ‘guro ng origami.’ Umiikot siya sa mesa kung nasaan ang mga taong gumagamit, at isa-isa niya silang tinuturuan ng paggawa ng origami ng morning glory at hydrangea”

––Ano ang reaksyon mula sa mga taong gumagamit tungkol sa kapaligirang may mga bata?

“Marami sa mga taong gumagamit ang mahilig sa bata, at ngumingiti rin ang taong dating blangko ang mukha, at nakikipag-usap sa mga bata. Minsan sumasama rin ang mga bata sa paglalakad-lakad, pero may taong kahit may dementia, hindi nakalimot at naalalang ‘Naglakad tayo nang magkahawak-kamay, di ba?’ kaya sa tingin ko, nagiging mabuting alaala rin siguro ito para sa mga taong gumagamit”

––Sa kasalukuyan, Ms. Michinoshita, ikaw lang ba ang taong nagsasama ng anak sa tanggapang ito?

“Ngayon ako lang, pero dahil nakailang beses akong nagpakilala ng kaibigan kong nag-iisip na ‘Siguro kaya ko rin,’ mayroon ding taong nagtrabaho tulad ko na kasama ang anak nila. Hanggang ngayon mga 9 na tao na...maraming bata, at may pakiramdam na kaming lahat ang nagpapalaki sa kanila. Dahil mga taong kaya halos lahat ng para sa sarili nila ang mga taong gumagamit ng day service, madaling ipakilala kahit sa taong walang lisensya o karanasan”

Pangalawang bahay ang pakiramdam ko sa pinagtatrabahuhan ko ngayon kung saan nakakapagtrabaho nang kasama ang anak ko

––Puwede mo bang sabihin ang kabuluhan ng iyong trabaho?

“Para sa akin at sa mga anak ko, pangalawang bahay ang pinagtatrabahuhan kong ito kung saan nakakapagtrabaho ako kasama ang anak ko. Dahil parang kamag-anak ko ang mga taong gumagamit, masaya akong makitang nakaya nilang gawin ang bagay na hindi nila kayang gawin dati, o nakalikha sila sa sarili nilang kakayahan ng isang bagay, at wala akong nararamdamang paghihirap. Bahagi ng pamumuhay ko ang trabahong ito, at hindi ko maisip na gumawa ng ibang trabaho. May kapanatagan ng loob din dahil nasa abot-tanaw ang mga anak ko, at sa pansamantala, gusto kong magpatuloy magtrabaho sa ganitong estilo”

Magkapareho sa sinabi ng dalawa ang pakiramdam na “pinagtatrabahuhan = sariling bahay.” Dahil sariling bahay ito, katulad na rin ng pamilya ang mga taong gumagamit at staff. Dahil nga dito, walang pakiramdam na “nagbibigay” ng care o “tumutulong” sa pagpapalaki ng anak, kundi nagsusuportahan ang lahat ng taong nandoon, upang lumikha ng maginhawang “bahay.” Sa loob ng lipunan kung saan sumusulong ang iba’t ibang paraan ng pagtatrabaho, hinahangad na dumami pa sa hinaharap ang paraan ng pagtatrabaho ng double care kung saan nagpapalaki ng anak habang nagtatrabaho sa caregiving.

Nagtipon ng materyales at nagsulat: Akiko Tominaga, Litrato: (ni Ms. Shiina) Takeshi Yamagata, (ni Ms. Michinoshita) Ayako Shimobayashi

HOME